MERRY CHRISTMAS EVERYONE!
Sana masaya kayo ngayong Pasko! Basta ako masaya ako. Ang daming tao dito sa bahay e. Halos buong angkan namin andito na. XD haha. Masaya kasi maraming young ones at young once. At kapag maraming tao, maraming PAGKAIN! :)) Nako patabaan na naman kami neto! Puro cholesterol na naman, party dito, party doon. Teka, speaking of Christmas, diba lahat tayo humihingi at nagbibigay ng regalo sa mga mahal natin sa buhay? Sabi nung Parish priest namin, Bat tayo nanghihingi ng regalo, e hindi naman natin birthday? Eh si Jesus naman kaya ang may Birthday. Binigyan ba natin siya ng regalo? Hindi naman. Napaisip kayo no? Haha. Anyway, excited nako sa New Year. Kasi ingayan na naman! Paputok na naman, sa totoo lang para sakin mas exciting to kaysa sa Christmas ee. Tas masaya pa kasi ung Lola ko kapag New Year, nagtatapon ng Barya sa kung saan saan, ayos! Pambaon din un sa pasukan a.
PS. Wag niyo kalimutan magtatatalon ah? Para tumangkad pa tayo :))
*****************************************
Teka, nabalitaan niyo na ba ung TAKIPSILIM? Ung Filipino Versio ng Twilight? Actually andun na ung cast sa post ko bago `to ee. Hindi ko lang talaga maimagine. Haha, nako pag panget ang kinalabasan niyan lagot ang Abs sa mga Twilight fans. Haha. Well, abangan na lang natin, medyo naeexcite na din ako, why not? malay niyo maganda ang kalabasan.

Ayun, si Rayver Cruz na nga ung napili nila para maging Edward Cullen, tas si Shaina naman para kay Bella Swan. Kung gusto niyo pang malaman kung sino pa ung ibang cast, tignan niyo na lang ung post ko bago `to. Andun na yun lahat :)
*****************************************
Si Ate kanina nag bbrowse siya ng mga Videos sa Godtube.com. Tas may pinapanood siya saming dalawang videos, grabe ang gaganda. Nakakatouch, tas full of lessons. If you're interested, follow these links:
http://www.godtube.com/view_video.php?viewkey=d5d4ee2c067a456e7c0f
http://www.godtube.com/view_video.php?viewkey=13a4a045cd290bc2ae2d